[KONTING UPDATE]
Kung natatandaan nyo nag post ako tungkol sa Tacloban, well meron nang konting pagbabago, just recently lang nagkaron na ng direct flight from Tacloban to Cebu via AirPhilippines, every M-W-F and Sundays, saya di ba? at least mababawasan na ang oras ng travel natin if we want to go to Cebu, kasi hindi na tayo sasakay ng bus at bibiyahe ng dalawang oras papuntang Ormoc then pagdating dun sasakay ng supercat at maglalayag ng 2 1/2 hours (minsan delay pa dating ng barko so mag aantay ka ng matagal sa terminal) para lang makarating ng Cebu, hassle diba?! Ngayong meron nang direct flight mas convenient kasi approximately 30 minutes lang ang travel mo, wala pang kapagod-pagod, siguro pinaka hassle na lang dun eh yung pagkuha mo ng baggage mo na normally eh inaabot ng ilang minuto din, pero mas ok na yun kesa magtravel ka ng 5 to 6 hours. San ka pa?!
Nabanggit ko rin last time na Dunkin Donuts lang meron dito at walang MisterDonut! well...well..well... just recently lang din nagkaron na sila ng store dito, at di lang isa ha!! siguro more or less 5 stores dun lang yun sa may downtown area, ewan ko lang sa iba pang lugar dito, nakakatuwa ah kasi everywhere you go, may makikita kang may bitbit na box ng MisterDonut, nung first openiing day sobrang dami ng tao na gustong bumili ng donut (syempre, isa na ako sa mga nandun nakipila at nakisiksik LOL!). Hay tao nga naman, basta bago pag-aaksayahan talaga ng oras at kahit mamanhid na ang mga binti sa kakatayo at paghihintay sa pila ok lang basta makabili, pero after few days or weeks magsasawa na din.
Yun lang!