1 post tagged “bags”
Ang gaganda diba? T-shirts and bags from Team Manila. It's about time for us Filipinos to support our own products. Pagdating naman sa ganda at quality ng materials di tayo pahuhuli sa mga banyaga diba?! Basta, bibili ako ng mga yan sa pasko! LOL!
Natutuwa ako pag nababanggit ang bansang Pilipinas sa mga foreign movies/series na
napapanood ko. Kagaya nung isang gabi habang ako'y nanonood ng SmallVille Season 5, meron hawak si Lionel Luthor na baril na regalo sa kanya ng kanyang kaibigan, sabi nya special daw yun kasi yun ang baril na gamit ni Gen. Douglas McArthur when he returned to the Philippines. Nakakatuwa kasi hindi lang ako taga Pilipinas, nasa Leyte pa ako ngayon... Ilan beses na din akong nakapunta sa famous Leyte Landmark ni McArthur. Masarap mamasyal duon sa park kasi nasa tabi sya ng dagat at saka malinis din ang paligid, may hotel din dun kung gusto mong magpahinga at maraming tindahan sa tabi tabi kapag ginutom ka. At masarap din mag practice ng driving kasi hindi masyadong marami ang sasakyan na dumadaan.