1 post tagged “christmas”
I feel sick :( I'm coughing terribly since last week. Feeling ko nga parang ang dami dami kong plema sa katawan LOL! Sana mag stop na sya kasi nakakahiya na eh, lalo na pag meron akong kausap sa phone. Panay ang ubo ko, disturbing LOL!
Maiba ako, haaaaaaaay christmas is really fast approaching...pasko naaaaaaa! wala pang papaaaaaa! haaaaaay buhay!! LOL! ang mga commercial sa tv puro pang christmas na, favorite ko yung sa Chow_king at Co_ke syempre! Ang laki na naman ng kita ng mga malls at mga tindera kasi sa kanila napupunta ang mga 13th month pay at bonus ng mga tao kapalit ng tinda nila of course di ba! Ang dami na naman datung ng mga bata (sarap maging bata :D) Ang mga kabataan pa naman ngayon mas ma-appreciate nila pag pera ang binigay mo kesa laruan at damit! minsan nga nagdedemand pa kung anong gustong regalo, astig! grabe na yan ha! Dati rati kahit 10 pesos lang masaya na kami, ngayon pag binigyan mo ng bente hindi na magte tenk yu, titingnan ka pa ng masama LOL!!! Minimum atang aginaldo ngayon eh 50 pesos, yun eh kung talagang walang wala ka na ha! Pero syempre nakakatuwang tingnan ang mga kabataan na naglilibot sa bahay bahay lalo na sa mga ninong at ninang para manghingi ng gift nila, kasi naalala mo dati ganun din ginagawa mo. Gigising ng maaga, maliligo at magbibihis ng bago mong pamaskong damit tapos sabay sabay kayo ng mga kaibigan mo magpupuntahan sa kaniya kanyang ninong at ninang, pag nakatanggap ng regalong laruan masaya na kayo nun. Pagdating ng hapon sabay sabay na kayong maglalaro. Simple lang ang buhay. Ngayon, ang mga kabataan wala nang social life, laging nasa computer, o kaya napupudpod na mga daliri kakapindot sa kanyang psp or nintendo wii.
Anyway, mabalik ako sa pasko, i'm sure masaya ako kasi kasama kong mga mahal ko sa buhay lalo na ang mga pamangkin ko, first time namin magkakasamang lahat ngayon pasko. Pero siguro mas sasaya ako kung meron akong special someone na maggigreet at ki kiss sakin under the mistletoe LOL!
yun lang!